Higanteng marshmallow, ibinida sa Mexico!

Mahilig ka bang kumain ng marshmallow? ‘Yung tipong matamis, malambot ngunit, nakabibitin dahil sa maliit ang sukat?

Paano na lamang kaya kung makita mo ang katakam-takam at higanteng marshmallow na mas mabigat pa umano sa isang grand piano.

Ito ay isang record breaking attempt ng kompanyang Dulces Mazapan de la Rosa para sa isang Guinnes World Record na ginanap sa kasagsagan ng ika-200 founding anniversary celebration ng bayan ng Guadalajara, Jalisco sa Mexico.

Hindi nga naging madali ang preparasyon para magawa ito kung saan, kinailangan ng 100 katao para lutuin ang marshmallow at inabot ng 53 oras o aabot lang naman sa mahigit dalawang araw bago ito nabuo.

Sa tulong ng Guinness Organization, naideklarang ito na ang pinakabagong record holder at pagkatapos ay pinagsaluhan ng mga mamamayan ng Guadalajara at tinikman ang nasabing Giant Marshmallow.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *