‘High caliber PLLO sagot sa “bill vetoing-spree” ni Pangulong Marcos’ – Chiz

Naniwala si Senator Chiz Escudero na ang pagtalaga sa isang “high caliber Cabinet member” ang sagot sa sunod-sunod na pag-veto ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga panukalang batas.

Ayon kay Escudero maiiwasan ang tinatawag niyang “bill vetoing-spree” ng Malacanang kung mayroong epektibong point person na mag-uugnay sa Palasyo at Kongreso sa pagkamit ng legislative agenda ng punong ehekutibo.

May mahalagang papel umano ang PLLO head para magkaroon ng maayos na ugnayan ang executive at legislative branches ng gobyerno.

Dagdag pa ng mambabatas buwan, oras at ilang milyon piso ang nagastos sa pagpanday nga panukalang batas subalit nababalewa lamang dahil sa mga unutil na na PLLO.

Nabatid sa isang buwan panunungkulan ni Marcos Jr., aabot na sa limang panukalang batas ang iveneto nito kabilang na ang tax exemption sa mga honoraria ng teachers na nagsisilbi tuwing eleksiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *