High Mortality Rate sa bayan ng Wao, naitala sa loob lamang ng isang Araw!

NAITALA ngayon ng bayan ng Wao sa lalawigan ng Lanao del Sur ang pinakamataas na mortality rate sa loob lamang ng isang araw kung saan tatlo ang iniulat na namatay dahil sa COVID 19.

Dahil dito agad na ipinatupad ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ang 14 day granular lockdown sa 16 mula sa 26 na barangay nito dahil sa biglaang paglobo ng kaso ng virus.

Batay sa tala ng Wao Municipal Health Office, nasa higit 200 katao ang kinapitan ng sakit at hindi na rin umano kaya pang tumanggap ng mga pasyenteng may COVID Virus ang kanilang Isolation Facilities kung kayat nagpapatupad ito ng Home Quarantine.

Patuloy din ang paghihikayat ng LGU sa lahat ng mga residente na para makaiwas sa pagkakahawa ng nakakamatay na virus ay mas makakabuting manatili na lamang muna ang mga ito sa loob ng kani-kanilang mga tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *