High value target drug personality patay sa buy bust operation matapos umanong manlaban sa mga pulis

CAMARINES NORTE – Napatay sa ikinasang buy-bust ang isang lalaking kabilang sa listahan ng Regional Level High Individual (HVI) ng PNP

Ikisana ang naturang operasyon sa pinagsanib pwersa ng mga otoridad dakong 10:40 ng gabi nitong Hulyo 23, 2021 sa Purok-5, Barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte.

Ang napatay na suspek ay nakilalang si REY ESGUERRA a.k.a. Rey, residente ng Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte na kabilang sa Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs ng PNP.      

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya,  nakabili kay ESGUERRA at isa pang kasamahan nito na si alyas MUSLIM ang operatiba na umaktong poseur buyer ng isang (1) piraso ng malaking zip lock transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap na hinihinalang “shabu” na nagkakahalaga ng Isang Daan at Limampung Libong Piso (Php150,000.00) gamit ang isang (1) piraso ng Isang Libong Piso (Php1,000.00) at Isang Daang Limampung (150) piraso ng pekeng Isang Libong Piso (boodle money).

Gayunman, nang mapansin ng mga suspek na sila ay nakikipagtransakyon sa pulisya, agad na hinugot ni ESGUERRA ang kanyang baril at pinaputokan ang operatiba ng pulisya, na naghudyat naman dito para ipagtanggol nito ang kanyang sarili at mabilis na pinaputukan ang nasabing suspek na tinamaan sa katawan nito na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala, ang kasamahan nito na nakilalang si alyas MUSLIM ay mabilis na nakatakas sa nasabing operasyon at kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga otoridad.

Agad na tumawag ng tulong mula sa Camarines Norte Provincial Crime Laboratory Office CNPCLO (SOCO) Team ang mga operatiba upang maiproseso ang lugar ng pinangyarihan kung saan nakuha ang mga sumusunod na ebidensya: 

  • Isang (1) yunit ng Colt caliber 45 pistol (chamber loaded), na may isang (1) magazine na naglalaman ng dalawang (2) bala;
  • Dalawang (2) pirasong basyo ng bala para sa caliber 9mm;
  • Isang (1) basyo ng bala para sa caliber 45;
  • Isang (1) piraso ng Isang Libong Piso na may serial number GD404624;
  • Isang Daan at Limampung (150) piraso ng pekeng Isang Libong Piso (boodle money);
  • Dalawang (2) piraso ng Isandaang Piso na may serial number A997755 at WT144057;
  • Isang (1) Dalawampung Piso na may serial number DG513030;
  • Isang (1) savings passbook  mula sa Rural Bank of Jose Panganiban Inc; at
  • Iba’t ibang klase ng susi.

Ang  mga labi ng biktima ay isinailalim sa  Autopsy/Post Mortem Examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *