Higher power rates ngayong Dec. batay sa kautusan ng ERC na staggered collection

Ipinaliwanag ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ang mataas na electricity bills ngayong Disyembre, ay batay sa kanilang kautusan sa Meralco na magpatupad ng staggered basis ng koleksyon sa portions ng generation costs ng kanilang suppliers.

Ayon kay ERC Chairperson at Chief Executive Officer Agnes Devanadera na ang ilang factors ang nagdulot sa naturang upward adjustment para sa power rates, gaya ng tumataas na presyo ng lana worldwide, at ang shutdown ng Malampaya natural gas facility.

Dagdag ni Devanadera, noong nakaraang buwan pa sana magtataas ang power distribution utilities ng power rates, pero ipinagpaliban ng ERC para mabawasan ang epekto ng Malampaya facility maintenance shutdown.

Sa kanilang abiso, sinabi ng Meralco na nagtaas sila ng overall rate para sa typical household na P0.3143 per kilowatt-hour (kWh), dahilan para maitala ang overall rate sa P9.7773 per kWh ngayong buwan, mula sa P9.4630 per kWh noong Nobyembre, sa likod ng mas mataas na generation charges.

Ang increment ay katumbas sa increase na halos P62.86 sa total bill ng residential customer na komokunsumo ng 200 kWh, P94.26 para sa mga customers na komokunsome ng 300 kWh, at P157.15 para naman sa mga komokunsome ng 500 kWh ng kuryente.

Ang staggered collection, ay nagsimula ngayong December 2021 at magtatapos sa March 2022. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *