Higit ₱800k halaga ng shabu at baril, nasamsam sa isang hardinero sa Padre, Garcia, Batangas

Arestado ang isang hardinero matapos na makuhanan ng pinaniniwalaang shabu at mga baril sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy Bukal, Padre Garcia, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Marco Amparo y Valdez, 29 anyos, may asawa at residente ng naturang barangay.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCol. Pedro D Soliba, dakong 8:11 ng umaga kahapon ng Biyernes, Nobyembre 19, sa bisa ng search warrant ay hinalughog ng operatiba ang bahay ni Amparo dahil sa kasong paglabag sa RA 9165  o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang improvised plastic tooter, dalawang Air Gun Rifle, dalawang Caliber 9mm Pistol Replica, Q1 cal.38 revolver, apat na bala ng kalibre 38 na baril at isang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, tatlong plastic transparent plastic sachet, isang maliit at malaking digital scale at isang asul na pouch.

Ang nakuhang droga ay umaabot sa timbang na humigit-kumulang 123 gramo at nagkakahalaga ng 836,400.00 pesos.

Batay sa imbestigasyon, si Amparo ay dati nang may kasong paglabag sa iligal na droga sa probinsiya ng Quezon.

Nasa kustodiya na ng Padre Garcia MPS ang naturang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *