Higit 1.8M COVID-19 vaccine doses, naiturok na PH

Umaabot na sa 1.8 million doses ng COVID-19 vaccine ang naituturok na sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), lumalabas na as of April 27, kabuoang 1,809,801 doses, na binubuo ng 1,562,815 doses bilang first jab at 246,986 sa pangalawa ang nabakuna na sa priority sectors.

Samantala, ang seven-day average ng vaccinated individuals per day ay nasa 35,320 naman.

Mababatid na 3,525,600 COVID-19 vaccine doses ang natatanggap na ng Pilipinas, kung saan 3,025,600 o 86 percent ang naipamahagi na sa 3,415 vaccination sites. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.