Higit 150 pamilya sa Koronadal apektado ng road clearing ng DPWH

KORONADAL CITY – HUMIHINGI ng tulong ang tinatayang nasa 150 pamilya na apektado ng road clearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pitong purok sa Barangay Saravia nitong lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa isang residente, inihayag nito na wala silang malilipatang lugar sa sandaling ipapatupad na ang road clearing operation.

Aniya, tatlong beses na silang pinapa-urong dahil sa ginagawang road clearing sa kanilang purok at tila wala namang aksyon ang kanilang punong barangay sa nangyayari sa kanila.

Ayon naman kay Barangay Saravia Punong Barangay Gregorio Presga na matagal nang binigyan ng abiso ang mga residente kaugnay sa road clearing ng DPWH.

Sa ngayon, patuloy pa ang paghahanap ng barangay ng lugar na maaring lipatan ng mga apektadong residente kun saan habang wala pa, binigyan ni Presga ang mga ito ng certifate upang makahingi ng tulong sa ibang sangay ng gobyerno sa lalawigan para sa shelter assistance.

Binigyan lamang ng pitong araw ang mga apektadong residente upang lisanin ang titirikan ng kanilang mga bahay na tatamaan ng road widening.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *