KORONADAL CITY- UMABOT na sa P 75.5 million ang na-irelease na pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 12 sa ilalim ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.
Nakabenepisyo dito ang 15, 250 na mga displaced workers, under employed at seasonal workers.
Pinakamarami sa mga benepisyaryo ay residente ng Saranggani na umabot sa 5,024; North Cotabato na may 4,428; General Santos City 3,945; Sultan Kudarat na may 1,572; at 281 sa South Cotabato.
Ang TUPAD ay isang community-based package ng assistance na nagbibigay ng emergency employment sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers sa loob ng 10 hanggang 30 araw depende sa kanilang tinatrabaho.