Higit 180 security forces, ipinadala sa Negros Oriental para sa payapang BSKE sa lalawigan

180 security forces ang ipinadala sa Negros Oriental upang matiyak na mapayapang maidaraos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa lalawigan

Ayon kay Lieutenant General Benedict Arevalo, Commander ng Visayas Command, mula sa nabanggit na bilang, 131 ang kabilang sa Joint Task Force Storm ng AFP VISCOM, 29 ay mula sa Philippine National Police, at 39 ang mula sa Philippine Coast Guard.

Ang karagdagang pwersa ay upang maiwasan ang election-related violence dahil umano sa kasaysayan ng matinding political rivalry sa Negros Oriental.

Nabatid na ang Negros Oriental ay nasa ilalim ng COMELEC control sa buong election period.

Kasunod na rin ito ng pagpatay Governor Roel Degamo noong Marso at dahil na rin sa iba pang insidente ng karahasan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *