Higit 20.9-M Filipinos, nakakatanggap ng kanilang first COVID-19 boosters

Nagtala ang bansa ng 1,083 na mga bagong kaso ng COVID-19 para sa araw ng Lunes, dahilan para lalong sumipa ang total caseload sa 4,034,658.

Kaugnay nito, mayroon pang 18, 507 na mga kaso ng active COVID-19, habang ang total recoveries ay nasa 3,951,543.

Nagtala naman ang Department of Health ng 14 na mga bagong kaso, dahilan para tumaas ang total COVID death toll sa 64,608.

Samantala, sa ngayon, papalo na sa mahigit 20.9 million Filipinos ang nakakatanggap ng kanilang first COVID-19 boosters, mula sa 73.7 million na mga fully vaccinated.

Una nang sinabi ni Guido David ng pandemic monitor OCTA Research Group, na tumaas ang COVID-19 positivity rate sa nakalipas na linggo sa Metro Manila. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *