Naturukan na ng unang dose ng bakuna kontra covid-19 ang mahigit na dalawandaang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources Region III nakaraang araw.
Ito ay bilang pagtalima sa mass vaccination program ng gobyerno at maproteksyunan laban sa virus ang mga empleyado.
Maliban dito ay mayroon na ring 141 na mga empleyado mula sa iba’t ibang provincial offices ang nabakunahan na rin.
Nagpasalamat naman si DENR Executive Director Paquito Moreno Jr. kay Pampanga Gov. Dennis Pineda sa inisyatibo nito para sa vaccination program sa mga national government offices sa lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo for Illustration Purposes Only