Higit 200 katao sa Iran, patay dahil sa patuloy na kaguluhan

Mahigit 200 katao sa Iran ang namatay dahil sa nagpapatuloy na mga protesta sa bansa.

Ang mga protesta ay sumiklab sa buong Iran matapos mamatay ni Mahsa Amini, isang 22-taong-gulang na babae na inaresto ng “morality police” sa Tehran dahil sa di-umano’y hindi pagsunod sa isang mandatory dress code.

Inakusahan ng mga awtoridad ng Iran ang United States, Israel, United Kingdom at Saudi Arabia bilang nasa likod ng kaguluhan.

Ang bilang ay mas mababa kaysa sa ibinigay ng foreign-based rights organisations na ang mga namatay ay higit sa 400 katao na.

Noong nakaraang linggo mahigit 14,000 katao kabilang ang mga bata ang naaresto dahil sa pag protesta.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *