Higit 200 motorista huli sa unang araw ng implementasyon ng “No helment, No Travel Policy” sa Zambales

Nagsimula na kahapon ang paghihigpit sa pagpapatupad ng “No helmet, No Travel Policy” sa lalawigan ng Zambales.

Base sa datos ng Zambales Police Provincial Office mahigit dalawang daan na mga motorista ang natikitan.

Ayon kay Pmaj. Pancho Doble, Operations Chief ng ZPPO, umabot sa 282 ang nahuling walang helmet o kaya naman ay hindi tamang helmet ang gamit hanggang alas sais kagabi.

Mayroon umano kasing ilan na ang ginagamit na helmet ay para sa pagbibiseklita at hindi pangmotorsiklo.

Naghihigpit aniya sa pagpapatupad ang mga otoridad lalo pa’t base sa ulat ng kanilang Enhance Managing Police Operations, kadalasang nasasangkot sa disgrasya ay motorsiklo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'SHOP NOW! Lazada Non-acidic na Vitamin C, makukuha sa Guard C Calcium Ascorbate Protektado ang kalusugan, nang hindi humahapdi ang Tiyan! ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C w.'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *