Inilikas ang higit 200 pamilya sa Barangay San Miguel, Batangas dahil sa chemical spill sa dagat.
Bukod dito, dalawang residente ang naospital matapos mahirapang huminga, batay sa ulat ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)

Ayon sa Philippine Coast Guard-Bauan Sub-station, ang kemikal na tumagas sa dagat ay Solvent Naptha na ginagamit sa paggawa ng pintura.
Sinabi ni Emil De Roxas, depot in-charge ng kumpanya na nagmula ang kemikal sa tank number 5 ng storage facility at may bandwall silang sasalo kapag nag-overflow ang lamang chemical sa loob pero hindi umano naisara ng maayos ang gate valve kaya dumerecho ito sa kanal papuntang dagat.
Sa huli, tiniyak ng PCG- Batangas na kontrolado na ang chemical spill at ipinasara muna ang kumpanya habang patuloy pa ang imbestigasyon.