Higit 22k na indibidwal sa Quezon province, tumanggap na ng COVID-19 vaccine; pagbabakuna para sa A2 at A3 categories, nagpapatuloy

Ayon sa huling datos ng Integrated Provincial Health Office, mayroon ng kabuuang 21, 856 indibidwal ang nabakunahan sa lalawigan ng Quezon simula noong umpisahan ang inculation sa probinsya gamit ang mga bakuna mula sa Chinese drugmaker na Sinovac at British-Swedish drugmaker na Astrazeneca.

Sa total administered vaccines ng lalawigan, 19,406 sa mga ito ang nabakunahan na ng unang dose at 2,450 indibidwal naman ang tumanggap ng pangalawang dose ng bakuna.

Samantala, patuloy pa rin ang pagbabakuna para sa A2 at A3 categories na kinabibilangan ng mga senior citizen at mga persons with comorbidities.

Sa kasalukuyan, mayroong 10,931 na total confirmed cases ang Quezon province kung saan 866 sa mga ito ay aktibong kaso, 9,641 ang gumaling at 424 naman ang nasawi. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *