Higit 25k doses ng aztrazeneca vaccine para sa Isabela, dumating na kahapon

Dumating na ang 25,950 doses o 2,595 vials ng Aztrazeneca vaccine sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa City of Ilagan, Isabela.

Ayon kay Dr. Arlene Lazaro ang Chairperson ng Vaccination Program Operation Center, mula sa isang vial ng Aztrazeneca ay mababakunahan ang nasa 10 indibidwal.

Dagdag pa niya, ang 325 vials ay nakalaan para sa pangalawang dose ng bakuna sa mga nakatanggap ng kanilang unang dose noon Marso habang ang 2,270 na vials ay para sa unang dose ng mga nasa priority list.

Ayon kay IPHO National Health Immunization Program Coordinator Chamille Claravall, ang makatatanggap ng unang dose mula sa bagong dating na bakuna ay ang mga natitira pang nasa Priority Eligible Group A1(health workers), A2 (Senior Citizens, at A3 o mga may comorbid.

Dagdag pa niya, sa oras na mabakunahan na lahat ng nasa priority eligible groups ay sisimulan na ang vaccination roll out sa mga essential workers na kabilang sa A4.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inaasahang idedeliver ngayong araw ang mga bakuna sa mga Rural Health Units ng mga munisipalidad sa Isabela maliban sa coastal municipalities.

Samantala, natukoy na ang 100 COVID-19 vaccination sites Isabela upang matiyak ang seguridad at kahandaan ng vaccination roll-out sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *