Higit 2K Pulis-Davao, inihahanda na sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte

INIHAHANDA na ng Davao City Police Office ang nasa dalawang libong personahe na naatasang magbantay sa araw ng inagurasyon ni Vice President elect outgoing Davao City Mayor Sara Duterte sa darating na Hunyo 19 nitong taon.

Ayon kay DCPO Spokesperson Maj. Maria Teresita Gaspan, nagpapatuloy pa ang koordinasyon nito sa mga organizers at pamahalaang lungsod upang plantsahin ang mga detalye ng seguridad na ipapatupad lalo sa San Pedro square na siyang venue sa makasaysayang inagurasyon.

Samantala aasahan naman ng mga residente ng lungsod ang mas mahigpit na seguridad sa lahat ng sulok dahil ilang mga mahahalagang bisita ang dadalo.

Katunayan nagpatupad na ng random checkpoints ang PNP. katuwang ang Task Force Davao sa buong lungsod bunsod na rin ng mga banta sa seguridad kasunod ng mga pagsabog sa mga kalapit na rehiyon.

Kabilang sa inaasahan na dadalo sina President elect Bongbong Marcos, outgoing President Rodrigo Duterte, imbitado rin si VP Leni Robredo at iba pang matataas na opisyal

Habang si Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando ang mag-aadminister sa inagurasyon ni VP-elect Sara bilang ika- labinlimang bise presidente ng bansa.

Nabatid na sisimulan ang nasabing event sa isang thanksgiving mass, susundan agad ng oath taking at ang Musikahan-Pasasalamat Concert.

Higit dalawang libong kapulisan, inihahanda na sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte//JOFEL CANDADO (Canned)

INIHAHANDA na ng Davao City Police Office ang nasa dalawang libong personahe na naatasang magbantay sa araw ng inagurasyon ni Vice President elect outgoing Davao City Mayor Sara Duterte sa darating na Hunyo 19 nitong taon.

Ayon kay DCPO Spokesperson Maj. Maria Teresita Gaspan, nagpapatuloy pa ang koordinasyon nito sa mga organizers at pamahalaang lungsod upang plantsahin ang mga detalye ng seguridad na ipapatupad lalo sa San Pedro square na siyang venue sa makasaysayang inagurasyon.

Samantala aasahan naman ng mga residente ng lungsod ang mas mahigpit na seguridad sa lahat ng sulok dahil ilang mga mahahalagang bisita ang dadalo.

Katunayan nagpatupad na ng random checkpoints ang PNP. katuwang ang Task Force Davao sa buong lungsod bunsod na rin ng mga banta sa seguridad kasunod ng mga pagsabog sa mga kalapit na rehiyon.

Kabilang sa inaasahan na dadalo sina President elect Bongbong Marcos, outgoing President Rodrigo Duterte, imbitado rin si VP Leni Robredo at iba pang matataas na opisyal

Habang si Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando ang mag-aadminister sa inagurasyon ni VP-elect Sara bilang ika- labinlimang bise presidente ng bansa.

Nabatid na sisimulan ang nasabing event sa isang thanksgiving mass, susundan agad ng oath taking at ang Musikahan-Pasasalamat Concert.(JOFEL CANDADO)
#


#

Leave a Reply

Your email address will not be published.