Higit 3,000 na benepisyaro mula Isabela, nagtapos na sa Project Lawa, binhi ng DSWD

Nakatanggap ng kabuuang Php30,945,600 ang 3,683 na benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI mula sa anim na local government unit sa Lalawigan ng Isabela.

Nagmula ang mga ito sa bayan ng Burgos (210); Echague (780); Delfin Albano (167); Palanan (421); San Mariano (1,019) at lungsod ng Ilagan (1,087).

Tumanggap ang mga ito ng tig 8,400 pesos matapos sumailalim sa cash-for training/work na nakasentro sa paggawa ng imbakan ng tubig o small farm reservoir at pagbuo ng communal garden ng 20 araw.

Ayon sa mga benepisyaryo, malaking tulong ang kanilang natanggap para sa pagbabalik eskuwela ng kanilang mga anak.

Ang Project LAWA at BINHI ay alinsunod sa direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na gumawa ng pangmatagalan at epektibong solusyon upang tugunan ang nararanasang krisis kaugnay sa kakulangan ng tubig at pagkain na dulot ng El Niño at La Niña.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *