Higit 300k mag-aaaral sa Central Luzon nakapagpatala na

Umabot na sa mahigit tatlong daang libong mag-aaaral para sa school year 2021-2022 sa Region 3 ang nakapagpatala na o nakapagparehistro sa Agap-Lista.

Ito ay ang Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 na papasok ngayong susunod na pasukan.

As of May 3 sa datos ng Department of Education ay mayroon ng 315,540 ang nakapagpatala.

Ayon sa DepEd, magpapatuloy ang pagtanggap ng mga pampublikong paaralan ng registrants hanggang sa May 31, 2021.

Matatandaan sa Olongapo City base sa huling panayam ng BNFM sa City DepEd ay nasa halos apat na libo na ang enrollees sa kabuuan at inaasahang tataas pa ang bilang hanggang sa pinakahuling araw na papayagang makapag-enrol ang mga nabanggit na grado.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: DepEd Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *