NAGA CITY – Higit 500 mga grupo o organisasyon, ang nakilahok sa Civic and Float Competition ngayong taong 2023 sa Naga City, kaugnay ng Peรฑafrancia Fiesta.
10 major bands and majorettes, 364 na mga grupo mula sa paaralan, organisasyon, establisemento at iba pa, 155 na mga ridees at 22 sa floats.
Sa panayam kay Clark Mathew Calpe, Vice President ng Naga City Children Organization, ito ang pangalawa nilang pagkakataon na makikiisa sa Civic Parade at unang pakakataon na sasali sa Best in Marching Competition.
Layon ng pagsali na hindi lamang mas maging visible pa sa publiko bagkus ang mapalawak pa ang pagiging bahagi ng mga bata lalo na sa mga ganitong programa.
Isa sa mga pangunahing programa nila sa mga bata ang Children Congress, na nag-eedad sa 7 hanggang 15 taong gulang ang kasama sa organisasyon sa buong 27 barangay sa lungsod.
Suportado naman ito ng LGU sa ilalim ng Naga Council Protection Welfare of Children.