Higit 500k, bakunado sa Batangas -PHO

Batangas – Bumibilang sa higit kalahating milyong na ang mga bakunado kontra Covid19 na malayo pa sa kabuuang higit dalawang milyong inidviduals na kinakailangan na mabakunahan upang makamit ang herd immunity sa Batangas.

Ang impormasyon ay mula sa pag-uulat ni Dra Rose Ozaeta, Batangas Health Officer sa ginanap na IATF meeting noong Lunes.

Ayon sa tala, may kabuuang 516,930 na ang bilang ng mga nababakunahan (pinagsamang 1st and second dose) mula sa iba’t ibang brand ng bakuna kung saan ito ay nasa 23.76% pa lamang mula sa target na 70% ng kabuuangb populasyon upang makamit ang herd immunity sa lalawigan.

Kinakailangan kasing mabakunahan ang may 2,175,548 na mga Batanggenyo kasabay na din ng panawagan sa pamahalaang nasyunal na sana ay magtuloy-tuloy ang suplay ng bakuna upang tuloy-tuloy din ang isinasagawang pagbabakuna ng mga lokal na pamahalaan sa Batangas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *