Higit 67K doses ng Coronavac vaccine, dumating sa lungsod ng Legazpi kahapon

BICOL—Mayroong panibagong 67,200 doses ng Coronavac Covid-19 vaccine ang Bicol region para sa nagpapatuloy na vaccination rollout.

Dumating ito kahapon sa Legazpi City airport dakong alas 11 ng tanghali kung saan ito na ang ikalimang batch ng mga bakunang dumating sa rehiyon at pang-apat naman na batch ng Coronavac na gawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinovac.

Batay sa allocation record ng Department of Health (DOH) Bicol, pinakamaraming doses ang nakalaan para sa Camarines Sur Provincial Health Office na may 20,000.

Sinundan ito ng Albay Provincial Health Office na may 13,160; Sorsogon PHO na may 10,200; Catanduanes PHO na may 6,540; Masbate PHO na may 5,420 at Camarines Norte PHO na may 3,600.

Mayroon ding mga inilaan para sa Naga City Health Office na may 2,740; Legazpi City Health Office na may 2,700; Bicol Medical Center at Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) na may tig-1000 doses habang mayroon ding 840 doses na nakalaan para sa Camp General Simeon Ola.

Mababatid na batay sa COVID-19 Vaccination Rollout update ng kagawaran, nasa 100% nang naipamahagi ang mga unang batch ng bakunang dumating sa rehiyon kung saan 90% na ang naiturok para sa 1st dose habang 26% naman sa 2nd dose.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *