Higit 84k na rehistradong botante sa COMELEC Cauayan City, naitala

Umabot na sa mahigit 84,000 ang bilang ng mga rehistradong botante sa lunsod ng Cauayan.

Ito ang inihayag ni COMELEC Cauayan City Election Officer Atty. Jerbee Cortez sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, sa ngayon ay nagasasagwa na sila ng pagsasaayos sa mga talaan ng rehistradong botante sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Atty. Cortez, aabot sa halos 1,000 na mga pangalang ang posibleng maalis sa talaan ng COMELEC Cauayan dahil sa ilang kadahilan.

Kabilang na rito aniya ang mga nagtransfer, double entry, mga namatay base sa sertipikasyon ng civil registrar at mga naireport na pangalan mula sa AFIS matching o lumalabas na may kaparehong finger print subalit magkaibang tao.

Aniya, ito ang kanilang sinursuri at maingat na binubusisi para maisapinal ang talaan ng mga rehistradong botante.

Ayon pa kay Atty. Cortez, inaasahan aniyang madaragdagan pa ito pagkatapos ng deadline ng extension ng voter registration sa October 30, 2021.

Kaugnay nito ay inaasahan ding aabot sa mahigit 90,000 ang bilang ng mga eligible voters sa lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *