Higit 900 Omicron subvariant cases, naitala

Aabot na sa higit 4,000 ang kabuoang bilang ng mga na-detect na kaso ng omicron subvariants sa bansa.

Ito ay makaraang madagdagan ng 924 na mga bagong kaso nito sa pinakahuling sequencing ng Department of Health.

Sa Media Forum, sinabi ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire na nakapagdetect ng karagdagang 906 na mg akaso ng BA.5 kung saan, 814 sa mga ito ang recovered na; habang 49 pa ang nananatili sa isolation.

Pinakamaraming naitala sa Region VI na mayroong 265 cases; 127 sa Metro Manila; at 121 sa CAR; habang apat naman ang mga returning overseas Filipinos.

Mayroon namang 11 na new cases ng BA.4 at 7 kaso ng BA.2.12.1 – lahat ng mga ito ay ‘tagged as recovered na’.

Sa kabuoan, mayroon nang 4,013 na BA.5 cases; 115 BA.4; at 181 na BA.2.12.1

Samantala, wala pa ring naitalang bagong BA.2.75 na kaso ‘o ‘yung kung tawagin ay ‘Centaurus’ subvariant.

Ang unang dalawang cases na na-detect nito ay magaling na, habang ang kanila namang 7 close contacts ay wala na ring ipinapamalas na mga sintomas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.