Higit na 17 Cuban nationals, arestado matapos diumanong ilegal na i-recruit ng Russia para makipaglaban sa Ukraine

NAARESTO ang higit 17 Cuban nationals ng mga awtoridad matapos diumanong ilegal na i-recruit ang mga ito ng Russia para makipaglaban sa bansang Ukraine.

Sinabi ni Cesar Rodriguez, Head of Criminal Investigations ng Cuba’s Interior Ministry, aabot sa tatlo sa 17 ang kumpirmadong kasapi ng nasambit na ilegal recruitment efforts sa loob ng kanilang bansa.

Naglabas na rin ng pahayag ang ibang pamilya ng mga naaresto, kabilang ang isang ina na sinabi na pinangakuan ng trabahong construction sa Russia ang kanyang anak.

Mariin naman na binitawan ng Cuba’s Foreign Ministry na patuloy ang pagkilos ng awtoridad para masawata ang organisasyong nagsimula ng nasabing recruitment trafficking. ###Johnoah Mae A. Zepeda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *