Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na bubuo ang Marcos administration ng livelihood program sa ilalim ng proposed P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) sa 2024.
Paliwanag ng DBM, inilaan na ang P2.28B ng Integrated Livelihood Program (DILP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa national budget.
Saklaw nito ang development needs ng mga komunidad, kasabay ng pagbibigay-pansin sa local development priorities gaya ng off-farm/non-farm livelihood diversification sa agricultural economy, at key employment generating sector (KEGS)-related projects.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, umaasa ang administrasyon na mapagpapatuloy ng naturang budget ang groundwork, maging ang inclusive at sustainable na paglago ng bansa hindi lamang para sa present generation, kung ‘di pati future generation.