Higit P6,000 halaga ng shabu, nasabat sa dating empleyado ng gobyerno

Arestado ang isang dating empleyado ng gobyerno matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng PDEA Region 2 at Appari Police Station sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan kaninang umaga.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PDEA Region 2, kinilala ang naaresto na si Bernado alyas Berns, 37-anyos at residente ng naturang bayan.

Nakumpiska mula rito ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .5 grams na ibebenta sana nito sa isang PDEA agent na nagpanggap bilang poseur buyer.

Bukod dito ay nasamsaman pa si Berns ng isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800, marked money at isang cellphone.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Aparri ang naaresto para sa tamang disposiyon habang inihahanda ang kaso laban sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *