Higit P88k na halaga ng droga, nasamsam sa Batangas City

Nasabat ng mga awtoridad mula sa dalawang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang nasa mahigit 88,000 pesos na halaga ng iligal na droga sa ikinasang operasyon sa Brgy. Balagtas, Batangas City, dakong alas-12:25 kaninang madaling araw, Mayo 17, 2023.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Meel”, isang high value individual,36 anyos at residente ng Brgy. Sta Clara, Batangas City at alyas “Balat”, 36, isang driver at residente ng Brgy Dolores, San Fernando, Pampanga.

Batay sa report, nasamsam sa mga suspek ang nasa tinatayang 13 gramo ng “shabu” na nagkakahalaga ng P88,400.00.

Aktong nahuli ng Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU) ng Batangas PPO at Batangas CPS ang mga suspek matapos pagbentahan ng tatlong malaking pakete ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagkunwaring buyer.

Nakuha rin sa mga ito ang isang android cellular phone at pulang Toyota Vios na may plate number na CBL-3782.

Ang mga naarestong suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *