Higit sa 40Million na Pinoy, hindi pa rin nagpapa-booster – DoH

Matapos ang kumpirmadong local transmission ng mas nakahahawang Omicron BA.2.12.1 subvariant – muling pinaalalahanan ng Deparment of Health na magpa-booster na.

Tinatayang aabot pa kasi sa higit 40 milyong mga Pilipino ang hindi pa rin nakakapagpa-booster shot para sa bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa Department of Health, 40.6Million individuals na eligible na sa booster shots ang hindi pa rin nagpapaturok nito.

Tanging 25% pa lang umano ang nakakakuha nito.

Matatandaang maliban sa mga naitalang kaso ng bagong subvariant ng Omicron sa Metro Manila at sa Western Visayas, naka-abot na rin ito sa Batangas.

Ayon kay Philippine Medical Association President Dr. Benito Atienza, mayroong dalawang pasyente sa isang ospital sa Batangas ang kumpirmado sa variant na ito.

Ang mga nasabing infected individuals ay nanggaling sa Canada.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *