Higit sa isangdaang mga bagong kaso ng omicron subvariants, naitala

Aabot sa mahigit 100 ang mga bagong na-detect na kaso ng subvariants ng Omicron.

Sa DOH Media Forum, sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na sa pinakahuling sequencing, nakapagtala ng 95 na mga bagong kaso ng BA.5.

83 sa bilang na ito ang ‘tagged as recovered’ na; habang lima pa ang nananatili sa isolation.

52 ang fully vaccinated, habang 2 ang hindi pa bakunado.

11 sa mga BA.5 cases ay nagmula sa Region 11; 25 mula sa Region 12; at tig-isang kaso sa CARAGA, Region 10 at sa Metro Manila.

Samantala, mayroon namang pitong mga bagong kaso ng BA.4.

Lima ang galing sa Region 12 habang dalawa mula sa Region 11.

Lahat ng mga ito ay fully vaccinated at gumaling na rin.

Dalawa naman ang bagong BA.2.12.1 cases na parehong nagmula sa Region 11.

Fully vaccinated ang mga ito, at parehas na ring ‘tagged as recovered’.

Wala namang na-detect na bagong kaso ng BA.2.75 subvariant ‘o ‘yung ‘Centaurus’ variant.

Sa kabuoan, mayroon nang na-detect na 3,107 BA.5 cases; 104 cases ng BA.4; at
174 cases ng BA.2.12.1.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.