Hikaw sa ilong na nawala ng 5 taon, narekober sa baga

Ikinagulat ng isang 35 anyos na lalaki sa Cincinnati, United States nanag malaman na ang matagal niya nang hinahanap na nose piercing ay nasa loob pala ng kanyang baga.

Ito ay si Joey Lykins na kamakailan ay nakaranas ng hindi pangkaraniwang ubo dahil sa tila may bumabara sa kanyang paghinga at sa tuwing siya’y umuubo ay sumasakit ang kanyang likod.

Una daw na inakala ni Joey na mayroon na siyang pneumonia kaya agad itong nagpatingin sa doktor. Nang sumailalim siya sa X-ray ay doon nakita na may foreign object sa upper lobe ng kanyang kaliwang baga.

Nang ipakita sa kanya ang X-ray ay agad niyang nasabi sa doktor na ito ang kanyang nawawalang hikaw sa ilong na naiwala niya makaraan ang limang taon.

Kwento ni Joey, gumising siya kamakailan na wala na ang hikaw subalit inakala niya itong nalunok niya pero hindi raw siya nabahala sa pag-aaakalang iyon ay kanyang idudumi kaya bumili na lamang siya ng bagong hikaw.

Samantala, naging matagumpay ang bronschoscopy kay Joey at nakuha ang hikaw na maswerteng nabalot ng scar tissue kaya hindi ito puminsala sa kanyang baga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *