Hindi pa nakokolekta ang P2.3 billion revenue ng PAGCOR mula sa POGOs – COA

Inihayag ng Commission on Audit na hindi pa nakokolekta ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kita nito na nasa P2.328 billion mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).

Base sa Management Letter ng PAGCOR, nakalagay umano ito sa uncollected Accounts receivable simula noong 2021.

Ayon sa COA, ang hindi pagkolekta sa nasabing revenue ay taliwas sa Section 4.C, Regulation 6 of the Offshore Gaming Regulatory Manual (OGRM).

Samantala, patuloy naman umano itong aasikasuhin ng Compliance Monitoring and Enforcement Department ng PAGCOR. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.