Hindi pa natatapos na New municipal hall building at water tank project, hiniling na talakayin sa SB ng Brookes Point

Hiniling ng ilang mamamayan ng Brookes Point sa Sangguniang Bayan ng brookes Point na talakayin ang tungkol sa estado ng Municipal Hall at water ELEVATED TANK project sa munisipyo.

Bago ito ay sumulat ang ilan sa hindi nagpakilalang mamayan sa munisipyo na nagpahayag na nais nilang malaman ang estado ng mga proyekto at kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito natatapos.

Ayon sa mga ito, sinimulan ang konstruksyon ng municipal hall noong 2018 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito nalilipatan habang ang water elevated tank ay hindi pa rin natatapos sa Barangay Calasaguen.

Ang sulat ay inirefer ng Sangguniang bayan sa Committee on Infrastructure na pinamumunuan ni konsehal Kiel Rodriguez.

Samantala, inimbetahan naman ng nasabing komite ang Brigada News FM para sa committee meeting na gaganapin bukas, May 3 kung saan tatalakayin ang mga proyektong nabanggit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *