Hindi tinanggap na ₱1,000 polymer bank note sa Naga City Peoples Mall, nakarating na sa MEPO

NAGA CITY – Nakarating na sa Naga City Market Enterprise and Promotions Office ang umano’y hindi tinanggap na ₱1,000.00 polymer bank note.

Matatandaang sa kuwento ni Angelo Bendiola ang naging dahilan ng ilang mga stall owners na bawal daw kasi mabasa, matupi o madumihan, ang iba naman dinu-double check pa kung totoong pera.

Sa naging pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Joel Brendia MEPO Officer, sinabi nitong muli nilang papa-alalahanan at imomonitor ang mga stall owners nang sa gayon ay hindi na maulit pa ang nasabing pangyayari.

Naninibago pa kasi ang ilan sa mga ito, hindi pa totally aware lalo na hindi lahat nakapag-attend ng seminar nang ipaalam ang hinggil sa bagong desinyo.

Subalit paglilinaw ng opisyal na tinatanggap nila ang bagong 1,000 peso bill lalo na walang dahilan para hindi tanggapin dahil pera yan ng Pilipinas.

Ayon naman sa ilang vegetable vendors, tinatanggap nila ito nagkataon lamang umano na may ilang hindi pa sigurado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *