Hinihinalang ipinagbabawal na droga isinilid sa cup noodles at tinapay na tinangkang ipasok sa Provincial Jail, naharang

IBA, ZAMBALES-Naudlot ang gagawin sanang pagpupuslit ng hinihinalang iligal na droga sa loob ng Zambales Provincial Jail nang maharang ng mga jail guards ang laman ng ipapasok sana na pagkain na ipinadala sa isang tricycle driver kahapon.

Ang suspek ay si Joseph Caldejon, 37yrs old, residente ng barangay San Agustin, Iba, Zambales.

Nakumpiska sa suspek ang siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu, na nakasilid sa cup noodles at tinapay na ensaymada, may timbang na labing isang gramo at may street value na sixty-six thousand pesos.

Ayon sa mga jail guards, ipinaabot ng tricycle driver ang mga cup noodles at tinapay sa dalawang detinido na sasalubong dito.

Nang busisiin ito ay natuklasan ang mga nakapalaman ditong hinihinalang droga, nang mabuking ang suspek ay nagkunwang may tinatawagan ito sabay pinaharurot ang triycle papalayo sa lugar.

Nasakote naman ng grupo ng Provincial Drug Enforcement Unit ang suspek sa paradahan ng tricycle sa Barangay Amungan at itinangging may kinalaman sa tangkang pagpupuslit ng hinihinalang ipinagbabawal na droga.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of one or more people and text that says 'Para sa mas maginhawang araw! SHOP NOW! Lazada Power Cells 6 in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *