Hinihinalang NPA patay sa enkwentro sa Lupi Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang hinihinalang NPA sa engkwentro sa Lupi Camarines Sur.

Sa ulat ng 9th Infantry Division Philippine Army ang kanilang tropa ay nakatanggap ng sumbong ukol sa pangingikil umano at pag recruit ng mga menor de edad sa Brgy. San Vicente sa naturang bayan nitong Sept. 13.

12:55 ng hapon nang rumisponde ang mga personahe ng  96th Infantry Battalion, 9th Infantry Batallion at 902nd Infantry Brigade katuwang ang  Municipal Police Stations ng Lupi at Sipocot at nakabakbakan ang tinatayang 20 mga hinihinalang rebelde.

Matapos ang putukan natagpuan ang bangkay ng isang umano’y New People’s Army member na iniwan ng mga kasamahan nito.

Narekober pa ang tatlong anti-personnel mines, 20-meter wire, 100 piraso ng  M16 ammunition, cellphone, terroristic propaganda materials at mga personal na kagamitan.

Ayon kay  MGen. Henry  Robinson Jr,Commander ng  the Joint Task Force (JTF) Bicolandia

“I commend our brave soldiers for giving integrity to achieve our goal in winning the peace here in Bicol. Also, we thank the LGU of Lupi for bridging its people’s desire to free their community against this terrorist group.

Isapuso natin ang tunay na bayanihan sa pamamagitan ng “Whole-of-Nation” approach para ating makamit ang tutoong kapayapan sa rehiyon.

Sa mga natitira pang miyembro ng CTG, hindi kami napapagod na paalalahanan kayo na sundan ang mga dati ‘nyong kasamahan na niyakap na ang totoong tunay na kapayapaan sa piling ng kanilang mga pamilya.Tutulungan po namin kayo na tuluyang makatakas sa maling paniniwala at idelohiya na sumisira hindi lamang sa inyong sarili pati na rin sa ating pamayanan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *