Hiring ng karagdagang contact tracers sa gitna ng tumataas na kaso ng covid-19, hindi kailangan ayon sa DILG; desisyon ukol dito wala sa lebel ng Provincial Office

BNFM DAET – Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi kailangang mag- hire ng karagdagang contact tracer.

Ito ang tugon ni DILG Provincial Director Ray Caceres nang matanong ng Brigada News FM Daet kung kailangan na bang magdagdag ng mga contact tracer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa text message ng opisyal sinabi nito na kung kailangan ng mas maraming contact tracer sa lugar na mayroong mataas na kaso ng COVID- 19  ay maaari naman umanong ire- deploy ang mga contact tracers mula sa ibang lugar na walang naitatalang kaso.

Nilinaw din nito na ang desisyon sa pag hire ng contact tracers ay wala sa lebel ng Provincial Office kundi sa mas mataas na opisina ng DILG.

Kahapon ay nakapagtala ng 17 bagong kaso ng sakit sa lalawigan na pinakamataas sa isang araw mula nang magkaroon ng pandemya noong isang taon.

Ang mga bagong kaso ng sakit ay nagmula sa mga bayan ng Capalonga at Daet na kapwa nakapagtala ng tig- limang kaso, dalawa sa Labo at tig- iisa sa Basud, Mercedes, Paracale, San Vicente at Vinzons.

Dahil dito umakyat na sa 44 ang bilang ng mga aktibong kaso at 228 na lahat ang confirmed cases.

Nananatili naman sa 12 ang bilang ng namatay at 172 ang nakakarekober kaya mayroong 75.44 % recovery rate ang lalawigan.

Nasa 47 naman ang negative results na inilabas kahapon ng DOH at walang bagong recovery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *