Hirit na tariff increase ng Primewater nakabinbin pa rin sa NWRB

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Primewater Infrastructure Corporation nitong Lunes na nakabinbin pa rin hanggang ngayon ang hirit nitong tariff increase sa National Water Resources Board o NWRB at wala pang impormasyon kung kailan ito madedesisyunan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Primewater Branch Manager Mark Anthony Muroda II na maging sila ay naghihintay rin sa magiging desisyon ng NWRB kung pagbibigyan ba ang hirit na pagtaas ng taripa sa tubig.

Tiniyak rin ni Muroda na tinitingnan din nila ang “timing” ng pag implement nito at pinag- aaralan ang kahilingan mula sa Local Government Units

Makikipag ugnayan umano ang kumpanya sa Board of Directors at pamunuan ng Camarines Norte Water District (CNWD).

Matatandan na humirit ng tariff increase ang kumpanya noon pang isang taon bagay na umani ng pagtutol mula sa mga kunsomidores.

May mga resolution na rin ng pagkontra sa tariff increase dahil  umano sa maling timing lalo’t nahaharap ang lahat sa krisis na dulot ng COVID- 19.

Kapag inaprobahan ang hirit na pagtaas ng taripa, karagdagang 20 % sa bayarin sa kunsomo sa tubig ang babalikatin ng mga kunsomidores.

Gayunman, sinabi ni Muroda na magdedepende pa rin ito sa regulating body kung aaprobahan ang 20 % na tariff increase o kung mas mababa pa rito.

“Meron din pong scenario yan na halimbawa po, yung NWRB or yung regulatory agency nag decide na we are not due for 20% let say 15 % lang, so kung ano po yung final decision talaga ng regulatory body, yun lang din po talaga yung i-implement namin,” ani Muroda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *