Hiwalayang Jeric Gonzales at Rabiya mateo, wala umanong third party

Wala umanong third party sa hiwalayang Jeric Gonzales at ang beauty queen na si Rabiya Mateo.

Sa ulat, sinabi ng actor na misunderstanding sa kanilang naging relasyon ang posibleng dahilan ng hiwalayan dahil pareho umano nilang prayoridad ang kani-kanilang mga trabaho.

Inihayag rin ng aktor na nananatili silang magkaibigan matapos maghiwalay.

Hindi rin umano isinasara ni Jeric ang posibilidad na magkabalikan sila ni Rabiya.

Naging bukas sina Jeric at Rabiya tungkol sa kanilang relasyon noong nakaraang Marso makaraang mag-post ng mga larawan na magkasama.

Pero pagsapit ng Hunyo, napansin ng kanilang mga followers sa Instagram na nag-unfollow sila sa isa’t isa at binura ang mga larawan na magkasama.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *