Hog raisers sa bayan ng Irosin na apektado ng ASF, natanggap na ang kanilang cash assistance mula sa LGU

Natanggap na ng 64 na mga hog raiser sa bayan ng Irosin na apektado ng Asian Swine Fever (ASF) outbreak noong nakalipas na buwan ng Pebrero ang kanilang cash assistance.

Ang nasabing mga hog raisers ay mula sa mga Barangay ng San Pedro, San Julian at Bagsangan na apektado ng depopulation na isinagawa noong Pebrero 17.

Aabot sa P2M ang cash assistance na ipinamahagi ng LGU sa mga ito kung saan ang P1,550,000 dito ay mula sa 70% LGU Calamity Fund habang mula naman sa ASF Quick Response Fund ang P401,000.

Mababatid na ang nasabing pondo ay nakalaan sana sa mga ekipahe para sa Disaster Risk Reduction subalit napagdesisyunan ng LGU na ibigay na lang muna sa nasabing mga hog raisers.

Ang halaga naman ng ayuda ay batay sa bilang o dami at edad ng baboy na isinailalim sa depopulation.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsisikap ng LGU katuwang ang mga barangay para sa pagmantina ng ASF Contamination, Prevention and Control.  

                                                                                                                             

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *