Holdaper sa nanloob sa isang money lending firm sa Hong Kong, gumamit ng water gun at ballpen bilang panakot sa mga staff

HONG KONG- Sa ating bansa dito sa Piipinas, madalas na kinatatakutan ang mga holdaper na pumapasok sa mga grocery stores, bangko at iba pang establisyemento na pwede nilang mabiktima.

Pero sa bansang Hong Kong imbes na katakutan ay pinag tawanan at ipinaaresto sa mga otoridad ang dalawang holdaper na nagtangka sanang manloob at manlimas ng pera sa isang lending firm company sa San Fung Avenue.

Ayon sa mga empleyado ng money lending firm, dalawang holdaper ang pumasok sakanilang opisina at nag demand ng halagang HK$200 Million sabay humugot ng water gun na ginamit sakanila bilang panakot.

Ganunpaman, nahalata ng mga empleyado na ang inilabas na baril ng mga ito ay isa lamang na water gun dahil gawa ito sa transparent na plastic na kulay asul. Hindi naman ibinigay ng mga empleyado ang hinihinging halaga ng mga ito kaya lumabas muna ang dalawang kawatan sa opisina.

Doon na nagkaroon ng pagkakataon ang mga empleyado na tumawag at humingi ng saklolo sa mga pulis. Kalaunan, bumalik ang isa sa mga holdaper at sa pagkakataong iyon ay isang ballpen na ang dala nito na itinutok sa babaeng empleyado.

Sakto naman ang pagdating ng mga pulis na agarang inaresto ang holdaper at kinumpiska ang dala nitong water gun. Pinaghahanap na rin ang isa pa nitong kasamahan. Wala namang natangay mula sa money lending firm at nasaktan na mga empleyado habang nakatakdang isailalim sa psychological evaluation ang naarestong holdaper. | BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *