Kabilang sina Hollywood A-lister at Oscars Best Actress na si Halle Berry at American supermodel Gigi Hadid sa pumuri sa oldest mambabatok na si Apo-Whang-Od.
Pinatunayan ni Apo na siyang 106 years old na ang pang-international na ganda niya dahil sa paghanga ng mga hollywood celebrities.

Si Whang-Od, a.k.a. Maria Oggay, ang pinakamatandang mambabatok o traditional tattoo artist mula sa tribo ng Butbut sa Kalinga.
Idinaan ni Halle Berry sa kanyang Instagram account ang pagpuri kay Whang-Od.
Ipinost nito ang Vogue cover ng respetadong mambabatok.//CA