Holy Trinity Cathedral nakalikom ng halagang mahigit P23, 000 mula sa second collection para sa mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria

CAMARINES NORTE – Inihayag ng pamunuan ng Holy Trinity Cathedral na nakalikom ito ng halagang P23, 242  noong nakaraang linggo, February 13 mula sa second collection sa misa para sa mga biktima ng tinaguraing deadliest” quake na tumama sa Turkey at Syria.

Ito ang inanunsiyo bago matapos ang misa nitong Linggo, February 19, ni Father Eduardo Regore Jr., Vice Rector ng Holy Trinity Cathedral dito sa Daet.

Ayon kay Fr. Regore, hinihintay pa nila ang koleksyon mula naman sa ibang parokya ng Diocese of Daet para maipadala sa Turkey at Syria na labis na naapektuhan ng magnitude 7. 8 na lindol na kumitil sa libo- libong buhay.

Kasabay nito umapela rin ang pari sa mga mananampalataya na patuloy na ipagdasal ang dalawang bansa upang makabangon sa gitna ng matinding unos na kanilang sinapit.

Batay sa ulat ng Aljazeera, lumagpas na sa 40,000 ang bilang ng mga namatay sa lindol.

Mahigit pitong milyong mga bata naman ang apektado sa nangyaring lindol sa dalawang bansa at pinangangambahan ng United Nations na libo- libo rin ang namatay sa kanila.

Sa Turkey, nasa 4. 6 milyon mga bata ang naninbrahan sa sampung probinsya na tinamaan ng lindol habang sa Syria naman ay tinatayang 2. 5 milyon mga bata ang lubos na apektado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *