Home for the Aged at Mental Health Facility itatayo sa Olongapo City

Magtatayo ng dalawang mahahalagang pasilidad ang Olongapo City.

Ito ay ilan lamang sa naging bahagi ng pananalita ni Mayor Rolen Paulino Jr., sa isinagawang oath taking ceremony ng mga newly elected officials.

Kinabibilangan ito ng Home for the Aged na itatayo umano sa Bgy. East Bajac-Bajac.

Ayon sa alkalde, inaasahang masisimulan ito ngayong taon para maging operational na sa susunod na taon.

Samantala, ang ikalawa naman aniya ay isang Mental Health Facility na itatayo naman sa Bgy. New Cabalan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published.