Honesty Store binuksan sa bayan ng Tampakan, South Cotabato

KORONADAL CITY — NAGBUKAS ng isang Honesty Store ang bayan ng Tampakan para sa mga residente nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Tampakan Mayor Leonard Escobillo Jr., sinabi nito na maliban sa basic needs at iba pang groceries, mabibili din sa kanilang Honesty Store ang produktong gulay at prutas ng kanilang mga magsasaka.Mas mura umano ang presyo ng mga ito kung ihahambing sa ibang tindahan.

Malaking tulong umano ang nasabing tindahan para sa kanilang mga magsasaka upang mabenta at mapakinabangan ang kanilang mga produkto at maiwasan ang pagka-sira o pagka-bulok ng mga ito.

Ngunit nilinaw ng alkalde na para sa isang araw na konsumo lamang ang dapat bilhin sa nasabing honesty store at dito umano mapapatunayan ang pagiging tapat ng mga Tampakeños.

Dagdag pa ng alkalde na para lamang sa mga taga-Tampakan ang nasabing Honesty Store at hindi ito bukas para sa mga taga-karatig lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *