Honesty Store sa Tampakan, SoCot, planong dalhin sa mga barangay

KORONADAL CITY โ€” TATLONG araw sa loob ng isang linggo bukas ang Honesty Store sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal, kinumperma ni Tampakan Mayor Leonard Escobillio Jr. na bukas ang kanilang Honesty Store kada Lunes, Miyerkules at Biyernes mula alas-9:00 ng umaga.

Plano din ng alkalde na dalhin ang nasabing tindahan sa mga malalayong barangay ng bayan base na rin sa kahilingan ng mga residente.

Mabibili sa murang halaga sa nabanggit na Honesty Store ang mga basic needs at produktong ani ng mga magsasaka ng bayan gaya ng mga gulay at prutas.

Patuloy naman ang panawagan ni Escobillo sa mga pumupunta sa Honesty Store na sundin ang basic health protocols kontra Covid 19 upang hindi na tumaas pa ang kaso ng nabanggit na sa ngayon, umaabot na sa 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *