Hontiveros, nagbabahalang maaring malagay sa kadelikaduhan sa bansa ang pag-gamit ng nuclear energy

Nagbabala si Sen. Risa Hontiveros na maaring magdulot ng panganib sa bansa ang pag-gamit ng nuclear energy sa Pilipinas mula sa mga teroristang grupo.

Ayon kay Hontiveros, maaring maging target ang radioactive waste, na magnet para sa tinatawag na nuclear terroristic groups na naghahanap sa buong mundo para sa naturang mga wastes, o kahit sa mga raw nuclear energy na gagamitin sa produksyon ng nuclear weapons.

Sinabi rin ng senadora na ang nuclear energy sa bansa ay maaring magdala paurong sa nakaraan, at hindi pasulong para sa sustainable at peaceful future para sa mundo.

Una nang nanindigan si Hontiveros na nananatiling hindi pa nasasagot ang safety issues na nakabalot sa nuclear energy, kabilang na ang nakatenggang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Maliban umano sa posibleng security at health risks, may isyu din umano sa produksyon dahil ang mga materyal na kinakailangan sa pag-produce ng nuclear energy ay kailangang imported, hindi gaya ng renewable energy na available na sa bansa.

Samantala, inihayag ng mambabatas na suportado niya ang panawagan na i-realign ang maintenance funds ng BNPP para sa iba pang economic programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *