Hontiveros, naghain ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang price ceiling sa bigas

Nanindigan si Senador Risa Hontiveros na taliwas sa pagkakaroon ng proteksyon mula sa hoarding, profiteering at kartel ang nagyari sa pagsulong ng mandato sa price ceiling.

Ayon kay Hontiveros, imbis kase na maprotektahan ang mga mamamayang Pilipino mula sa mga illegal na gawaing ito ay mas na-encourage pa silang gawin ito dahil sa “economic strain” na dulot ng kasalukuyang surge.

Dagdag pa niya, kakikitaan din ng kakulangan sa “leadership”, “coordination” at “cohesion” ang inilabas na polisiya sa rice regulation lalo na’t hindi ito naikonsulta sa economic team ng administrasyon.

Kaugnay nito, naghain na ang senador ng resolusyon na maglalayong imbestigahan ang “uncoordinated” policies sa ilalim ng minandatong price cap.

Maalala, sa ilalim ng sinabing price cap ay hindi pupwedeng tumaas sa P41 ang presyo ng regular-milled rice at P45 naman sa well-milled rice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *