Hontiveros: nagpapatuloy pa rin ang mining operations sa Sibuyan Island

Ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros na nagpapatuloy pa rin ang “movement” sa operasyon ng Altai Philippines Mining Corp. (APMC) sa Sibuyan Island sa Romblon, sa kabila ng cease and desist order na inilabas laban sa naturang kompaniya.

Dahil dito, binigyang diin ni Hontiveros, na panahon na para ma-evict ang naturang illegal miners, kasabay ng muling paghihimok sa Senado na agad imbestigahan ang illegal mining activities sa naturang lugar.

Mababatid na ang naturang senadora ay naghain ng resolusyon noong Feb. 6 na naglalayung magsagawa ng inquiry kaugnay sa nickel at metallic mining ng APMC sa naturang isla.

Nais kasi nito na tingnan ng Senador ang pagkakasangkot ng mga local officials at police, na marahas na denisperse ang human barricade sa harap ng private port ng mining firm nitong buwan.

Una nito, ipinag-utos ng Department and Environment and Natural Resources (DENR) sa Mimaropa sa APMC na suspendihin ang kanilang mga aktibidad sa lugar, kabilang na ang kontruksyon ng kanilang causeway, at binigyan narin ito ng tatlong notices of violation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *